Ako si Janary Suyat.

Isa ako sa mga tambay sa Starbucks, pero di na masyado ngayon. Mahilig ako sa Green Tea Tazo Tea, White Chocolate Mocha at Java Chip Frappucino. Paborito ko din ang Banana Loaf o Carrot Cake (parehong may whipped cream dapat), at Belgian Waffles na Strawberry. Di rin papahuli sa listahan ko ang Sausage Roll, nako, kung di lang mejo mahal baka araw arawin ko pa yun.

Mahilig ako makipag-kapwa tao. Sobra akong nalulungkot kapag wala akong nakikitang tao, kaya para rin akong kawawa na naghahanap ng makakasama sa tuwing ako ay nag-iisa. Di naman dahil sa wala akong kaibigan, pero kasi kadalasan di swak ang aming orasan, busy ako pag pwede sila, pwede ako pag busy sila, ganun. pero buti nalang kaya kong makisama kahit kanino, kaya kung gusto nyo din ng kausap at kasama, basta libre ako, pwede ako.

Pastor ako ng Miracle Church of the Nazarene. Magulat ka kung gusto mo, sabi nila ako daw ang pinakabatang pastor sa distrito namin ngayon. Eh anu naman, tatanda din ako. hehe. Mahilig ako magbahagi ng Salita ng Diyos at masaya ako sa paglilingkod ko sa tulong at biyaya ng Diyos. Nag-aaral ako sa Asia Pacific Nazarene Theological Seminary at kinikuha ko ang Master of Divinity ko para makapag-aral pa ulit ako at kuning ang Doctorate ko. Di ako matalino, gusto ko lang maghanda para maging guro pagkatapos ng pag-aaral ko.

Mahilig ako sa mga kabataan. Nais ko maging instrumento para matulungan ang bawat kabataan na makakilala kay Kristo at magpagamit din sa kanya para sa ikalalaganap ng kanyang kaharian. Discipleship ang tawag dito :-D

Mahilig ako sumayaw, di ako magaling pero handa kong ibahagi ang aking kaalaman dito. Tumutugtog din ako ng mga instrumento kahit di ako marunong ng sobra. At higit sa lahat, mahilig ako magbasa ng blog at mag-blog. obvious ba ang dami kong presensya?

Ako ay panganay sa apat na magkakapatid, Pastor din ang tatay ko at aktibo sa ministeryo ang mga kapatid ko at magulang ko. Ayun. Simple lang naman ang pamilya ko pero di ko na sila kasama ngayon. Pinipilit kong maging masaya kahit mag-isa kahit talagang minsan malungkot talaga. Malamang kelangan ko nadin ng sarili kong pamilya. bwahahaha. Ayan tama na mahaba na.

Ikaw naman, magpakilala ka.